TOP > Tagalog
Sa ikalimang palapag ay may tatlong silid pang-eksibisyon para suportahan ang pagkakatuto ng mga bata.
May mga suliranin ang ating mundo na nakakaapekto sa ating buhay, tulad ng giyera, pag-aaway, refugees, kalagayan ng paligid o kalikasan, pag-unlad at kahirapan. Ang kuwartong ito ay magsisilbing gabay o daan upang malaman ninyo ang mga suliranin na dinaranas ng ating mundo at ang mga global issues o suliraning pandaigdig. Inaasahan na magbibigay-daan ito upang pag-isipan ninyo ang paraan upang magkatotoo o matupad ang salitang "mapayapang global society".
Ang mga kabataan ay maaring makaranas at sumali sa mga kabuhayan at kultura sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo, sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paunang kaalaman. Maari silang maglakad sa mga bahay na replica sa distrito ng Asya upang makita ang tunay na mga gamit ng bahay, costumes at insrumentong pang- musika. Maari din silang bumisita at mamasyal sa iba’t-ibang bansang naka-display dito.
Maaring mapabuti ang pagkasensitibo at lakas imahinasyon ng bata sa pamamagitan ng pagkakaroon ng karanasan sa mga larong may kinalaman sa mga tunog at ilaw. Nagkakaroon ng pagkakataon ang bata upang malayang ipahayag ang sarili at maranasan ang kasiyahang nakukuha mula sa mga kriitibong aktibidades.
Ang mga eksibisyon na may tema sa pandaigdig na pagkakaintindihan o pag-
uunawaan, mga global issues at multicultural coexistence ay isinasagawa dito. Ang silid na ito ay maaring rentahan para sa isang eksibisyon, pagpupulong at iba’t-ibang mga events kung saan kailangan ang malawak na lugar.
Exhibitions which feature such themes as international understanding, global issues and multicultural coexistence are held here. This room can also be rented for an exhibition, meeting, and various events which require a large space.
Ang lactation Room o silid kung saan maaring magpasuso ng sanggol, ay nasa Silid Eksibisyon ng Internasyunal na Pagkakaintindihan Silid Eksibisyon sa ikalimang palapag.