TOP > Tagalog

Tagalog
Consultation ukol sa pag-aaral ng mga dayuhan

Ang konsultasyon ukol sa edukasyon o pag-aaral ay maaaring isagawa kung may mga katanungan kayo ukol sa school system ng Japan, o di kaya’y naghahanap ng isang Japanese class, o naghahanap ng mga multilingual materials para gamitin sa paaralan. Ang serbisyong ito ay maaaring gamitin ng mga paaralan at mga supporters.

Araw ng Konsulta

Martes: Tagalog, Hapones
Miyerkules: Portuges, Hapones
Huwebes / Sabado: Chinese, Hapones
Biyernes: Kastila, Vietnamese, Hapones
※walang pasok pagnataong pista opisyal

Oras ng Konsulta

10:00 ~ 13:00, 14:00 ~ 17:00 (matatapos ang tanggapan 16:30)

Lugar

Earth Plaza 2F. Silid AKLATAN at IMPORMASYON

→Paano makakarating ng “Earthplaza” mula sa istasyon ng JR Hongodai

 

Para sa Konsultasyon

Pumunta ng direkta sa itinakdang lugar o kaya maaari din ang kumonsulta sa telepono.
TEL:045-896-2972 (Tagalog, Portuges, Chinese, Kastila, Vietnamese)
TEL:045-896-2970 (Hapones)
FAX:045-896-2894
E-mail: ✉Email:soudan1■earthplaza.jp(■palitan ito @ )
※Ang konsulta sa Fax at E-mail ay kinakailangan ang mahabang oras bago masagot. Sana’y maunawaan.

Messenger:kanagawa.earthplaza

Facebook:https://www.facebook.com/kanagawa.earthplaza

 

Umaasiste sa Tagapayo Ukol sa Edukasyon (Assistant Education Consultant) Pagpapakilala ng Sarili

Janet Miyajima
Isa po akong taga-Bicol na nabigyan nang permisong makapanirahan dito sa bansang Hapon ng permanente. Puwera sa pagiging Education Consultant Supporter ay isa akong general/special case interpreter at translator (sa loob ng Yokohama), translator ng Facil Kobe, medical interpreter lecturer, 6th/7th and 9th term Kanagawa Prefecture’s Foreign Council Member. Kung may mga katanungan kayo ukol sa edukasyon, huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa aming tanggapan. Wala po ditong bayad at kumpidensiyal.

Melanie Takahashi
Ako ay Pilipina na nakapag-asawa ng hapon at pinagpalang magkaroon ng tatlong anak, Na naninirahan sa Yokohama. Marami akong naranasan hirap sa pamumuhay, pagpapalaki ng mga anak, kultura at wikang hapon. Naranasan ko rin kung gaano kahirap ang di mo alam kung saan ang hingian ng tulong sa oras na kailanagan mo.
Nandito po kami sa Earth Plaza (Hongodai) tuwing Martes. Kung gusto ninyong matuto nang Wikang Hapon, Katanungan tungkol sa mga Paaralan, Pag-aaral ng mga bata at iba pa. Handa po naming kayong tulungan sa abot ng aming kakayahan.

 

TOP | BACK