Ano ba itong lugar na tinatawag na Kanagawa Plaza for Global Citizenship?
- Ang Kanagawa Plaza for Global Citizenship (o "Earth Plaza") ay isang pang Prepekturang, multi-purpose na pasilidad na binuksan noong Pebrero, 1998 sa Sakae-ku, isang ward o bahagi ng Yokohama.
- Ang Kanagawa Plaza for Global Citizenship ay binansagang "Earth Plaza". Ang bansag na ito ay nagmumula sa dalawang bagay – "earth" at "tomorrow" (asu sa salitang Hapon). Ang pahayag na ito ay naglalaman ng ating damdamin upang “Isipin ang kinabukasan ng mundo o daigdig"
- Ang tinutukoy na "Global Citizens" ay ang mga taong nag-iisip ng mga paraan upang lutasin ang mga suliraning hinaharap ng ating mundo o daigdig, tulad ng kapayapaan, kapaligiran at kahirapan. Tinuturing ng mga Global Citizens ang sarili bilang bahagi ng mga kabuhayan sa ibabaw ng lupa at sinasagupa nila ang mga suliraning nagaganap sa kanilang kapaligiran.
Tatlong layunin ng Earth Plaza
Pagbibigay ng kaalaman sa mga kabataan at imulat ang kanilang isipan.
Nagbibigay ang Earth Plaza ng isang pook kung saan maaring hubugin ang kaalaman at damdamin ng mga bata sa paglaki nila bilang mga Global Citizens.
Pagtaguyod ng kaalaman bilang Global Citizens
Binibigyang daan ng Earth Plaza ang pagpapalawak ng kaalaman ng mga bisita tungkol sa mga pag-uunawaan ng mga bansa, kapayapaan at mga suliraning pandaigdig, at patalasin ang kaalaman ng Global Citizens.
Pagsuporta sa mga international activities
Ang Earth Plaza ay sumusuporta sa mga international exchange at kooperasyon sa pamamagitan ng pagbigay ng mga impormasyon at isang pook upang itaguyod ang mga gawain at tulungang palawakin ang pakikisama sa kapwa..
Ano ba ang nasa Earth Plaza?
Rental Facilities
- Bukas mula 9 a.m. hanggang 10p.m.
- Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero bilang pagdaos ng bagong taon..
Exhibition Rooms
- Bukas mula 9 a.m. hanggang 10p.m.
- Sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.
Sa ikalimang palapag ay may tatlong exhibition rooms para sa pag-aaral ng mga bata at may isang theater hall.
Film Library at Information Forum
- Bukas ang Silid Aklatan mula Martes hanggang Lingo, 9 a.m.- 5p.m
- Bukas ang Silid Impormasyon mula Martes hanggang Biyernes, 9 a.m.- 8p.m.
- Sabado ,Lingo at piyesta opisyal ay bukas mula 9 a.m.- 5 p.m.
- Sarado tuwing Lunes (maliban sa piyesta opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.
May mga video at iba pang bagay na maaring gamitin upang makatulong sa pagkakaroon ng kaalaman ukol sa international understanding.
Fair trade shop,Restaurant & Lounge
Lounge
- Bukas mula 9 a.m. hanggang 8p.m.
- Sarado mula Disyembre 29 hanggang Enero 3 bilang pagdaos ng bagong taon.