TOP >Tagalog

English
Library (2F)

May mga video at iba pang mga bagay na maari ninyong gamitin upang makatulong sa inyong pag-aaral ng international understanding.<br />
– Bukas ang Silid Aklatan mula Martes hanggang Lingo, 9 a.m.- 5p.m.<br />
– Sarado tuwing Lunes (maliban sa pista opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.

Film Library

Sa loob ng Film Library, maari kayong magbasa at humiram ng mga libro at manood ng mga video ukol sa international understanding, mga global issues at international cooperation.
Huwag kumain, uminom o manigarilyo sa kuwarto at manatiling tahimik sa loob.
Telepono: 045-896-2976

Panonood ng mga video

Ang Film Library ay may 16 booths para sa panonood ng mga video at pelikula.
Maari lamang manood ng isang palabas sa tinakdang panahon.
Minsan ay kailangang maghintay muna para sa bakanteng upuan.
Ang mga pelikula ay maari lamang para sa on-site viewing.

Pagbabasa at paghiram ng mga libro

Ang sinumang nakatira, nagtatrabaho o pumapasok sa paaralan sa Prepektura ng Kanagawa, ay maaring humiram ng libro mula sa Library. Ipakita lamang ang inyong Earth Plaza Rental card* at maari na kayong humiram ng anim na libro na maaring ilabas hanggang tatlong linggo.

Pagsasauli ng mga libro

Maaring ibalik ang mga hiniram na libro sa reception counter ng Library. Kapag sarado na ang Library, ilagay ang mga ito sa Return Box na nakalagay sa labas ng entrance sa ikalawang palapag.

* Kapag hihiram ng libro sa kauna-unahang pagkakataon, kailangang magparehistro muna at bibigyan kayo ng isang Rental card. Sulatang maigi ang application form at ibigay sa Librarian kalakip ng isang sobre o iba pang mga identipikasyon kung saan nakasulat ang inyong tirahan.

Information Forum
  • Bukas ang Silid Impormasyon mula Martes hanggang Biyernes, 9 a.m.- 8p.m.
  • Sabado ,Lingo at pista opisyal ay bukas mula 9 a.m.- 5 p.m.
  • Sarado tuwing Lunes (maliban sa pista opisyal) Magsasara ito ng ika-29 ng Disyembre at mananatiling sarado hanggang ika-3 ng Enero.

Maari ninyong basahin ang mga balita at mga magasin ukol sa pakikipagpalitang internasyunal at kooperasyon o di kaya’y magsagawa ng isang pagpupulong o meeting.
Maari kayong kumain at uminom sa Information Forum pero hindi maaring uminon ng alak o manigarilyo.
Telepono : 045-896-2977

Korner ng Edukasyong Pang

May mga materyales para sa praktikal na edukasyon, materyales ng audio visual at mga reperensiyang materyales para sa pag-aaral tungkol sa international understanding, sa kalikasan o kapaligiran, human rights, kapayapaan at media literacy.

Wikang Hapon Language Corner/Multicultural Children Support Corner

Matatagpuan ng mga mag-aaral ng Wikang Hapon at mga taga-suporta nito ang ilang resources sa korner na ito.

  • Tumutulong upang bigyan ng tsansang matuto ng Wikang Hapon na kailangan para sa araw-araw na kabuhayan at trabaho.
  • Tumutulong sa mga anak nila upang maging matagumpay sa paaralan.

Nagdudulot ng mga edukasyunal na materyales at iba pang mga bagay na maaring makatulong sa mga dayuhang residente ng Prepektura ng Kanagawa.

  • Edukasyunal na mga Materyales,
  • Puwedeng makatulong sa pagtuturo at mga diksyunaryo
  • Computer software
  • Ang curricula ng mga paaralang Hapon
  • Parallel translation ng mga salitang pampaaralan
  • Multicultural na mga materyales para sa edukasyon.

Korner ng Iba’t-ibang Wikang Impormasyon

Nagbibigay ng mga impormasyon at tulong para sa araw-araw na pamumuhay sa iba’t-ibang lingguwahe.
Ang mga materyales na dulot nito ay mga Gabay sa buhay na dulot ng lokal na gobyerno, NGOs, at iba pang mga organisasyon ukol sa medikasyon, pag-iwas sa kalamidad at trabaho.
[Mga kasakop na lengguwaheng dayuhan]
Cambodian, Chinese, English, Indonesian, Korean, Laotian, Portuguese , Spanish, Tagalog at Vietnamese.

Forum Space

May isang Forum Space na maaring gamitin ng mga NGOs at mga boluntaryong organisasyon na kasangkot sa mga international exchange at cooperation activities para sa kanilang mga pagpupulong,.
Ang mga NGOs at mga organisasyon ay kailangang magparehistro para sa paggamit ng Forum Space.

  • Paggamit ng isang bulletin board o leaflet rack
    Maari kayong gumamit ng isang bulletin board o leaflet rack sa Information Forum upang maglagay ng mga NGO notices o magbigay ng mga NGO leaflets. Mag-apply sa Reception Desk kung nais gumamit.
  • Paggamit ng message board
    May message board rin ang Information Forum. Maari ninyong gamitin ito para sa pag-recruit ng mga miyembro para sa international exchange group, pag-imbita ng mga participants sa mga events, at para sa komunikasyon sa loob ng grupo.
  • Serbisyo ng Pagkopya
    Maaring gumawa ng kopya ng anumang bagay na nasa Information Forum o mga libro sa Image Library. (Singil 10 yen bawat pahina)
    Kapag gagawa ng kopya, alalahanin na nasa ilalim kayo ng mga restrictions o mga patakaran ng Copyright Law.
  • Mga Serbisyong Konsultasyon
    Ang impormasyon at konsultasyong serbisyo ay bukas para sa mga NGO o boluntaryong aktibidades

[get_tmp slug=”templates/phimenu”]

TOP | BACK